Yeah. Ayan na naman, ang isang salitang tindig balahibo.
Eskwelahan.
Ano nga ba ang mga hindi na magagawa ng isang estudyante pag pasukan na?
-Internet
-Manood ng T.V.(Goodbye, BOF or BBF)
-Magising ng 11:00 am - 01:00 pm
-Magpaikot ikot sa bahay ng ilang beses.
-Di na pwede makipag-chikahan sa any means of communications.
-Magswimming ng magswimming hanggang sa mangitim.
-Humiga at tumingin sa FOREVERNESS(ahm di ko alam kung anong tagalog nun eh)
*snaps back to reality*
Oo nga pala, hindi forever ang summer. Bakit ganun? Kung kailan tag-ulan dun ang start ng mga klase!
Sabi ng mama ko about sa school ko, pipigain daw talaga kami dun. As in, tambak ng homework, project, quizzes at activities. Wah, piga na talaga.
Ito naman ang kailangan gawin pag pasukan na.
-Gumising ng 4:30 to 5:30 (swerte ka na pag 5:30)
-Matulog ng 9:00pm to 12:00 am (depende sa mga kailangan gawin)
-Mag-aral ng mag-aral
Ayun. Tapos na.
Di ako excited. Di talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment