Wednesday, May 27, 2009

Pasukan na naman. Let the brain tortures begin!

Yeah. Ayan na naman, ang isang salitang tindig balahibo.

Eskwelahan.

Ano nga ba ang mga hindi na magagawa ng isang estudyante pag pasukan na?

-Internet
-Manood ng T.V.(Goodbye, BOF or BBF)
-Magising ng 11:00 am - 01:00 pm
-Magpaikot ikot sa bahay ng ilang beses.
-Di na pwede makipag-chikahan sa any means of communications.
-Magswimming ng magswimming hanggang sa mangitim.
-Humiga at tumingin sa FOREVERNESS(ahm di ko alam kung anong tagalog nun eh)

*snaps back to reality*

Oo nga pala, hindi forever ang summer. Bakit ganun? Kung kailan tag-ulan dun ang start ng mga klase!

Sabi ng mama ko about sa school ko, pipigain daw talaga kami dun. As in, tambak ng homework, project, quizzes at activities. Wah, piga na talaga.

Ito naman ang kailangan gawin pag pasukan na.

-Gumising ng 4:30 to 5:30 (swerte ka na pag 5:30)
-Matulog ng 9:00pm to 12:00 am (depende sa mga kailangan gawin)
-Mag-aral ng mag-aral

Ayun. Tapos na.

Di ako excited. Di talaga.

Friday, May 22, 2009

First Post.

Boring. Ampanget ng blog ko. Super basic. Di ko kasi alam kung pano maglagay ng layout. Well, di naman tungkol sa mga layout 'tong blog ko.

First random thought.

Lee Min Ho (Joon or Jun Pyo) Vs. Kim Bum (Yi Jeong)
Ako lang ba dito ang napopogian kay Jun Pyo! Lahat kasi ng former classmates ko (ehem, elementary) botong boto kay siopao, (no offence, this blog is purely RANDOM at OPINION ko lang).

Character Reviews

Jun Pyo - Tall, dark and handsome. Pero nagulat ako dun sa isang episode na matalino daw siya. Ewan ko lang. Kung matalino siya, bakit ganun THE EARLY WORM CATCHES THE BIRD. Malay natin baka may monstrous worm nga na kumakain ng mga kawawang maya. O talagang bingi lang ako.

Yi Jeong AKA (Wag na lang) - Mukhang bata, yun lang.

Real Life Reviews

Lee Min Ho - Pogi, grabe lalo na pag unat ang buhok! Yun.

Kim Bum - Cute, maputi at mukhang bata, pwede na.

Yun lang. Ako Lee Min Ho na 'ko.

Dramatic pause.

"Ano?! Akin lang siya!"

This just in. May isa akong friend asawa daw niya si Kim Bum, engage na daw sila bago palang siya pinanganak (tsk tsk tsk, mga pangarap). Tapos ngayon, inaagaw niya sakin si Jun Pyo! Kainis.

-Catfight insert here-